"Ang Aking Bayani, Ang Aking Ina"
Para sa akin ang nag-iisang bayani ng aking buhay ay ang aking ina. Wala nang iba pang hihigit sa kanyang pagmamahal. Itinuturing ko sya bilang aking isang bayani dahil simula pa lamang nung ako'y sanggol sya na ang nag-alaga , nagmahal at nagpalaki sa akin ng tama. Mag-isa nyang ginampanan ang pagiging ama't ina sa aming magkakapatid.
Sya ang nag-iisang taong hindi nagsasawang magmahal sa akin at walang sawang sumusuporta sa akin. Sya ang taong gumagabay sa akin patungo sa tamang landas. Ni minsan hindi nya kami kayang pabayaan na maligaw ng landas. Kaya naman taos puso ang aking pasasalamat sa aking ina. Para sa akin sya ang aking Super Mama. :)
Sa aking pinakamamahal ina,
Gusto kong sabihin na nagpapasalamat ako sa lahat ng mga bagay na ginawa mo para sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit minsan mayroon tayong hindi pagkaka-unawaan , sana wag ka paring magsasawang magmahal sa amin. Na-appreciate ko lahat ng mga paghihirap mo para malagay kami sa mabuting kalagayan. Pangako , magpapakabait ako , mag-aaral akong mabuti para maabot ko yung mga pangarap natin.
Lagi mong tatandaan mahal na mahal kita. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento